“ Ang pag-ibig kung
pumasok nino man , hahamakin ang
lahat maging akin ka lang.”
Madalas natin itong
marinig sa ating propesor , ngunit ano nga ba talaga ang
pag-ibig?
Bakit mas makapangyarihan ito kesa sa ibang bagay ?
Ang
pag-ibig ay maraming kahulugan , mula sa
ilang bagay na nagbibigay nang
konting saya hanggang
sa mga bagay
na tunay na ikaliligay at dahilan nang kalung-
kutan . Hindi lamang puro
saya ang maaari
mong maranasan kapag
ikaw ay umibig ,
dito ay pwede
kang masaktan , lalo na
kapag pinagpilitan mo ang mga
bagay na hindi
talaga pwedi . Hindi madali
ang magmahal dapat
hindi puro puso
ang pinapairal kung
minsan ay pairalin
din ang bulsa ,
esti ang isip pala !
Mapabata
man o matanda , walang pinipili
ang pag-ibig . Kahit pa nga
mag-kapareho nang kasarian
ay maaaring umibig sa
isa’t isa . Ngunit ang
pag-ibig ay
hindi
hinihingi o binibili , kundi ito ay
ibinibigay nang kusa
sa taong tunay
na minamahal.
Ikaw ba
ay umibig na ?
Ilang beses , Isa ? Dalawa ?
Tatlo o higit pa ? Kelan nga
ba natin masasabi
na tunay na
pag-ibig na ang
ating nararamdaman at
hindi isang laro
lamang ? Sabi nila
kapag nahanap mo na
ang taong masasabing
mong para sa’yo
ay
huwag mo na
raw pakawalan . Eh paano
kung ang taong
inaakala mong para
sayo eh
nakalaan pala para
sa iba? Ipagpapatuloy
mo pa rin
ba at ipagpipilitan ang
iyong nara-
ramdaman kahit nasasaktan
ka na o sadyang
panahon na upang
bumitiw at humanap
na lang nang
iba ?
Bakit nga ba
makapangyarihan ang pag-ibig ?
Marahil ay nagagawa
natin ang mga
imposibleng bagay upang makasama
lang ang ating
minamahal . Oh kay
saya nga ka-
pag kasama mo siya
. Yung
pakiramdam na kayong
dalawa lang at
walang sinuman ang nais humadlang
sa inyo .
Ang
tunay na pag-ibig
ay hindi makikita
sa panlabas na
anyo lamang , ito ay tunay
na mararamdaman
kahit nakapikit ka pa
. Lahat ay kinakaya
kahit ilang problema
man
ang dumating
at ipinaglalaban sa mga taong
nais humadlang sa
inyong dalawa .
Makapangyarihan ang
pag-ibig sa lahat
nang materyal na
bagay dahil mas
matimbang
pa rin
ang nararamdaman ng tao kesa
sa pera , mamahaling gamit
at alahas . Hindi
kelan man
mabibili ang pagmamahal
ng isang tao
bagama’t maari itong
turuan
magmahal ngunit
hindi kelan man
maaaring turuan ang
puso kung sino
ang mamahalin .
Tandaan : na
ang pag-ibig ay
parang isang larawan ,
hindi pweding tatlo kasi
baka
mawala ang
isa J hehe .
Yun lamang po
at Maraming Salamat !